Cristy Fermin Lumayas sa Condo na Bigay ni Willy

Apple Majait
By -
0

 



Hinakot na ng veteran show biz columnist at host na si Cristy Fermin ang mga gamit niya sa condominium unit na ibinigay sa kanya ni Willie Revillame.


Ito ang isiniwalat ni Cristy sa latest episode ng kanyang online talk show na Showbiz Now Na.


"At tulad po nang sinabi ko, ibabalik ko po 'yung unit na pinagtrabahuhan ko kay Willie Revillame. Dalawang araw na po ang nakararaan nakapaghakot na po kami. Ang nandun na lamang ay 'yung malalaking piraso na hindi kakasya sa sasakyan," ani Cristy.


Dagdag niya, ni minsan ay hindi niya natirahan ang condo unit na nasa 39th floor ng Wil Tower sa Quezon City.


"Gusto kong sabihin, kung kasing barubal ako ni Willie Revillame, gusto kong sabihin na eto na 'yung condo mo, isaksak mo sa baga mo. Pero hindi po 'yun ang terminong iiwan ko ngayon. Hindi po ako kasing tapang, kasing mapanumbat tulad ni Willie.

Hindi po ganun. Ang gusto ko na lang sabihin, maraming salamat," pahayag pa ng kolumnista.


"Eto na ulit, yung isinumbat mo sa aking condo unit. Mabubuhay ako nang wala ito. Mabubuhay din ako nang wala ka. Kung paanong mabubuhay ka nang wala ako," sabi pa ni Cristy.


📷: ctto

Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)