Women empowerment day, kapangyarihan ng mga babae

Apple Majait
By -
0



Ikaw ay wag magpapaapi ni huwag magpaagaw ng karapatan. Ikaw ay brilyante na mahirap mahanap. Katangi-tangi ka.


Huwag mong piliin ang mga taong mapanamantala lalo't libog lamang ang nasa. Hindi ka parausan. Bukod ka sa lahat. 


Kakitaan ka sana ng kapinuhan at katapangan. Na sa bawat pagsubok ay makita kang nakatayo at may integridad na humaharap sa madla.

Hindi ka maihahambing.


Nagluluwal ng bata. Mahapdi at masakit. Mahirap pero kinaya. Gastos, puyat, sigaw, iri, at sakit ng mga turok ay nilampasan. Hindi ito biro.

Nakabibilib ang iyong sakripisyo.


Ikaw na dinudugo o nireregla, kung minsan pa'y sumasakit ang puson pero hindi ngpapatalo sa daing bagkus nagpapatuloy pa. 

Kahanga-hanga ka.


Hindi ka katulong o kasambahay. Ina ka, ilaw at gabay. Hindi ito parusa. Isa kang halimbawa. 

Higit ka sa tsismosa.


Sa mga solong ina. Inabando man o nabalo, humahanga ako sa sayo. Wala akong maihahambing sa sakripisyong ipinapakita mo.

Hindi ka kawawa.


Sa mga sultera, hindi ka nagpapadaig sa dikta at tukso. Isa kang muog na matibay. 


Sa mga inang hindi pa pinagkakalooban ng supling, pakitanggap po ng mahigpit kong yakap. May puwang po kayo sa puso ko.


PS

Ingatan mo ang mga batang babae. Tulungan mo rin silang maging mabuting tulad mo.


#women 

#BABAE 

#BabaeKaHindiBabaeLang 

#womensday2023

Tags:

Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)