Speech ni Jethro Modequillo ng UP Cebu Class Valedictorian of 2024

Apple Majait
By -
0
Speech ni Jethro Modequillo ng UP Cebu Class Valedictorian of 2024. 🗣

Sobrang naniniwala ako and relate ako sa 3 magic wishes nya in life kasi sa dami na din ng pinag daanan ko, I can say that para sa akin, importante yung mga points nya. ❤️
Sabi nya sa Una - Do what you love

Sa estado ng career ko ngayon, masasabi ko na naging maswerte ako that I found myself on a path doing what I loved and what I was good at which is Marketing and yung naging pinaka bonus for me is to do freelancing. Hawak ko yung oras ko, ito talaga yung pinaka importante, ang dami kong time para sa sarili ko, happy ako to help my clients at kumikita ako ng okay din naman.

Habang tumatanda pala tayo, dapat nagiging mas aware tayo how much we are in control of more than we think we are in life pero sa totoo lang minsan kailangan talaga gumawa ng bagay na kahit hindi mo naman gustong gawin but for practicality you have to, but I still choose to do things that I love and thats how I start to tip the balance.

Naniniwala ako na, kung engage ka sa mga bagay na sobrang passionate ka it  breeds motivation. Parang di nakakapagod, parang laging nakaka excite and ramdam mo yung fullfilment.

Sabi nga ni Jethro dito "I hope the life you build is the one you enjoy, I hope there is room for passion in your life"

Secondly - Be open to failure

Alam nyo ba noong nag sisimula ako mag freelancer, dahil wala namang nag ga guide sakin at wala din naman akong control sa pera, umabot ako sa point na na zero talaga ako. As in kahit benteng buo ata wala ako. Awang awa ako sa sarili ko that time. And I think na normal initial reaction lang naman na sisihin mo yung sarili mo, pero the older you get you will realize na, wala palang malinaw na direction pag puro self blame ka lang. What is important pala is to address the matter, evaluate and evolve.

Doon mo ma rerelize, kung bakit, paano, at saan ka nag kamali. Yung mga pagkakamali ko na yun yung nag patatag sakin specifically sa career ko sa freelancing at pag hahawak ko ng pera. 

Pinagdaanan ko na yan, kaya alam ko na yung gagawin ko dyan. Natuto na ko dyan, so hindi na dapat ma ulit. I think its best to open up and share about our failures, kasi thats how we feed each other. We should never be afraid to fail, kung hindi ako lumagapak dati, hindi ako matatag ngayon.

Dagdag pa ni Jethro dito "People can do better... when being wrong is worthy of celebration, like being right, because making mistakes means you are actively engaged in the process of learning"

Lastly - Give back to something you care about

Masasabi ko na medyo ito pa yung kulang sa buhay ko now, sabi ko nga minsan, parang wala pa kong mas malinaw at mas malaking purpose. Yes I give back to my parents, I help some relatives, friends or staff. Pero I know I want to give back more sa mas malaking way, I want to give back more to my community or some certain causes. (note: wala ho akong balak maging pulitiko) Pero hindi ko pa alam saan ako mag sisimula. I hope that I will have more, so I can give more.

Again, congratulations to the class of 2024 and sa napaka gandang speech from #jethrosiamodequillo

#pagtatapos2024 #UniversityofthePhilippines #UPCebu 

📷 University of the Philippines

Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)