Yulo Receives P32-M Condo, P3 Million Cash as Olympic Incentive

Yulo Receives P32-M Condo, P3 Million Cash as Olympic Incentive

Apple Majait
By -
0

 




BAGONG CONDO PARA KAY YULO! 😍

Napasakamay na ni two-time Olympic Gold medalist Carlos Edriel Yulo ang susi ng P32-M halaga ng ‘fully-furnished’ three-bedroom condominium unit, bukod pa sa P3 milyong cash cheque mula sa isang private real estate company.

Bago ang turnover ceremony ay sinalubong si Caloy ng mga tagasuporta nitong matiyagang naghintay sa atleta sa kabila ng mainit na panahon habang nakasakay siya sa gondola. 



𝗢𝗣𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡 | 𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗮𝘆 𝗺𝗼?


Animo’y nalusaw na parang bula ang galak at tuwa ng mga Pilipino sa nakamit na dalawang gintong medalya ni Carlos “Caloy” Yulo sa larangan ng gymnastics sa katatapos lamang na Paris Olympics at napalitan ng dramang pakana mismo ng kaniyang ina na mistulang ginawa siyang retirement plan nang isiwalat nito sa midya na may girian sila at inaming nilustay niya ang perang kinikita ng anak bilang atleta na walang pahintulot.

 

Matatandaan na noong kasagsagan ng paligsahan ay napansin ng netizens na litrato ng pambato ng Japan ang ibinahaging post ng ina ni Caloy sa facebook nito at may kapsiyon pang nagpapahiwatig na ang nasabing bansa pa rin ang mas magaling. Mapapansin din sa ibang mga post nito na wala niisang para sa anak. Uminit pa ang usapin at dumarami ang negatibong komento laban sa ina ni Caloy nang magwagi si Caloy ng dalawang gintong medalya na naghudyat ng bagong kasaysayan sa Pilipinas. Ayon pa sa isang netizen, hindi raw makatutulog ang ina nito dahil sa inggit sa kaniyang anak. Sa katunayan ay pangalawa pa lamang si Caloy na nag-uwi ng ginto mula sa World Olympics.

 

Gasgas na sa tainga ang isyung “utang na loob” sa ating mga tahanan. Sa katunayan ay ang mga inang tulad ng mayroon si Caloy na ibinabahagi sa mundo na responsibilidad ng anak ang magulang ay hindi na rin bago. Kaugnay rito, matatandaan na noong nakaraang mga linggo ay naglabas din ng hinaing si Caloy laban sa kaniyang ina at inaming noong una ay ito ang may hawak ng kaniyang bank account at nang napunta sa kaniya ay may mga transaksyong wala siyang kaalam-alam at hindi niya rin mahagilap kung saan napupunta ang perang ginastos nito, ngunit iginiit niyang galit siya rito, sapagkat mahal at ina niya ito.

 

Datapwat, ang pagiging ina ba ay titulo na maaari mong angkinin kung ano ang pag-aari ng anak mo? Hindi lingid sa nakararami na isinaad ni Caloy sa kaniyang bidyo na kumikita siya ng “five digits” mula sa larangang pinasok niya, ngunit nilulustay ito ng kaniyang ina na siyang naging hudyat sa paglabo ng relasyon ng dalawa at natulak sa pagsasapubliko ng kaniyang nito. Ngunit, nararapat bang humantong sa lebel ng pagsasapubliko ang mga usaping pampamilyang ito? Sino nga ba ang dapat sisihin at ang nararapat manahimik?

 

Hindi maaaring ikaila na ang bawat isa ay may karapatang ipahayag ang kanilang hinaing at damdamin lalo na sa sosyal midya, subalit huwag kaligtaan ang magiging bunga nito. Matatandaan paglipas ng ilang araw ay sumali na rin sa usapan ang mga nakababatang kapatid ni Caloy at naglabas din ng isang bidyong nagsasaad ng pagkampi nito sa kanilang ina at idiniin ang suporta sa nakatatandang kapatid na walang hinihiling na kapalit. Maging ang ama, lolo at ibang kamag-anak ni Caloy ay naging pulutan rin ng mga tao sa nasabing plataporma dahil sa tila ba’y hindi makatarungang trato umano ni Caloy sa mga ito na kung maaari ay dapat sakay daw ito ng sinasakyan ni Caloy habang pumaparada at binibigyang-pugay sa pag-uwi ng mga medalyang ginto, ayon sa isang netizen. 

 

Huwag nawa kaligtaan na ang pagiging nanay ay hindi titulong nagsasabing, “anak kita, kaya alagaan mo ako,” sapagkat ang katotohanang walang sinuman ang nagbigay pahintulot sa inyo na iluwal niyo ang sanggol at gawing bangko. Sa halip, magpakananay, magkaroon ng delikadesa, respetuhin ang anak, at bigyan ng halaga ang bawat paghihirap nito, maaaring idaan sa pagbati sa tagumpay na nakamit at huwag ibandona dahil lang sa hindi pagpayag nito sa iyong hiling. Nararapat din na hindi basta-basta na lamang ibahagi sa publiko ang mga naireresolba ng pribado dahil hindi lamang iisang tao ang naaapektuhan, may kabataang hindi pa akma sa kanilang edad na maging mulat sa negatibong epekto ng teknolohiya at ganitong usapin.


Kaugnay nito, sa mga pamahayagan naman, maging responsable, sapagkat sa halip na’y makatulong, napapalala ang sitwasyon. Higit sa lahat, ang inggit, pagkamuhi, at ganid ay hindi nararapat maabot ng kahit sino, lalo na ng nanay mo.

 

𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶: Mary Rose Gambin, The Papyrus Opinion Writer

𝗗𝗶𝗯𝘂𝗵𝗼 𝗻𝗶: Francis Velasco, The Papyrus Cartoonist


Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)