Paghahanap nga Gagamba Patay

Apple Majait
By -
0

Tuklaw ng ahas ang kumitil sa buhay ng isang binata dahil sa paghahanap ng gagamba.

CALLAO, PEÑABLANCA.
Alas Dos (2pm) ng Martes (September 3)
Masaya kang kumukuha ng gagamba, yun pala ang huling araw mo na.
Pagkagat sayo ng ahas, kumaripas ka ng takbo
Wala kang mahingian ng saklolo,
kaya itinakbo mo ang sarili mo.
Pito ang kagat sayo.
Nagpatandok ka para mawala ang kamandag ng cobra.
Panay ang dasal mo bigkas ang salitang
“AYAW KO PANG MAMATAY”
Hinang hina kana at putlang putla.
Naka ihi ka sa sobrang balisa,
yun na pala ang hudyat na malalagutan kana ng hininga.
Sa aking pagdalaw, madaming maliwanag na ilaw.
Animoy may mga nagsasayaw,
Pero bakit ang lungkot ng balintataw.
Pepeng, salamat kasi idol mo ako.
Pepeng, salamat kasi mahal mo ako bilang Baklang Dragon Ball.
Pasensya na kung sa ganitong sitwasyon kita nadalaw at makita. 
Mahimbing na nagpapahinga.
Akalain mong natutulog na pero hindi na pala humihinga.
Isang malamig na bangkay sa loob ng isang parihabang kahoy na kahon, 
Nakapalibot ang maliliwanag na ilaw ng bombilya
at malamlam na ilaw ng kandila.
Madaming bulaklak na nakapaligid,
pero ang lungkot ng paligid.
Naka suot ka ng puting barong at gabi gabing pinaglalamayan ka ng pamilya at kaibigan mong iniwan mo.
Hindi mo naenjoy ang masayang mundo.
Hayaan mo mas maganda ang paraisong pupuntahan mo.
Sana sa pagdalaw ko sayo kagabi,
nagbigay sayo ng ngiti. 
Alam kong malungkot ka,
pero wala tayong magagawa,
kung yan ang nakatadhana.
Maraming nagmamahal sayo
na iniwan mo.
Lilipas din ang sakit na iniwan mo.
Magkita kita parin tayo sa dulo.
Magpahinga kana Pepeng.
Salamat at Idol mo ako.
JUSTINE RENZ SIAZON (+)🕊️🕊️🕊️







Tags:

Post a Comment

0Comments

https:www.majait.net

Post a Comment (0)